muli namang umihip sa akin ang hangin ng pagiisa liwanag kang dagling sumilaw sa aking mga mata
linilingon, sinusundan dumadalas ang minsan ika'y naryan, abot tanaw kahit walang dahilan
maiiwasan ba ang bawat sandaling ika'y laman ng isip ko (maiiwasan bang) ngayo'y lilipas ng hindi kita nasisilayan (magkamali sa'yo) nararapat bang pigilan ang damdamin na (maiiwasan bang) lalong mahulog sa iyo
walang maitutulad sa sumpang iyong linikha putulin man ang tali ay sadyang walang kawala
sa pagkaakit, at di paglapit nananalangin, at umaasang
maiiwasan ba ang bawat sandaling ika'y laman ng isip ko (maiiwasan bang) ngayo'y lilipas ng hindi kita nasisilayan (magkamali sa'yo) nararapat bang pigilan ang damdamin na (maiiwasan bang) lalong mahulog sa iyo
hindi padadala hinding hindi padadala hindi padadala